Kaibigan O Ka-ibigan
Kung ipagtapat kong, iniibig kita
Mabibigla ka ba? Iiwas ka kaya?
Hindi ko masabi, tunay na hangarin
At baka mag-iba, tingin mo sa akin
Mga pangarap sa hinaharap natin
Malusaw ng kusa't, liparin ng hangin
Ilang libong beses, na aking tinangka
Ika'y kalimutan, humanap ng iba
Subalit ito ay hindi ko magawa
Ikaw ang sigaw ng pusong lumuluha
Sa iyong isasagot, puso'y nagaabang
Kahit ano'ng sagot, basta't malaman lang
Nagmamakaawa, h'wag lang ang salitang
"Tayo'y magkaibigan... Hanggang doon lamang"
Mabibigla ka ba? Iiwas ka kaya?
Hindi ko masabi, tunay na hangarin
At baka mag-iba, tingin mo sa akin
Mga pangarap sa hinaharap natin
Malusaw ng kusa't, liparin ng hangin
Ilang libong beses, na aking tinangka
Ika'y kalimutan, humanap ng iba
Subalit ito ay hindi ko magawa
Ikaw ang sigaw ng pusong lumuluha
Sa iyong isasagot, puso'y nagaabang
Kahit ano'ng sagot, basta't malaman lang
Nagmamakaawa, h'wag lang ang salitang
"Tayo'y magkaibigan... Hanggang doon lamang"